3
palusot
Paano lusutan ang 'Sino ang kumain ng ulam ni Papa?'Huling piraso ng lechon kawali. Ako lang ang tao sa bahay buong hapon.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
SSuperTitoBoy · 136 araw ang nakalipas
“si bantay. kanina pa sya nakatitg sa ref”
?Anonymous · 134 araw ang nakalipas
“mapapanis na po kasi pa, kinain ko na lng para di kayo mag LBM”
MMamaBearPH · 133 araw ang nakalipas
“Pa, kinuha po ng pusa ng kapitbahay. Nakita ko pa siyang tumalon sa bintana.”
1
palusot
Paano tumanggi kapag pinapakanta ka sa reunion?May videoke na, at tinuturo na ako ni Lola.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 136 araw ang nakalipas
“Namamaos po ako, Lola. Kakakanta ko lang kagabi sa kabilang reunion.”
3
palusot
Anong palusot kapag ikaw na lang ang hindi nakabayad sa Airbnb ng barkada?Isang buwan na mula noong outing. Ako na lang ang hindi pa nakaka-send sa GC.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 141 araw ang nakalipas
“Na-send ko na ah, baka na-hold ng bank. 3 to 5 banking days daw sabi ng app.”
SSuperTitoBoy · 141 araw ang nakalipas
“Sabihin mo ikaw ang nag-ambag ng yelo at uling. Walang nakakaalala kung magkano yun.”
BbunsoNgPamilya · 140 araw ang nakalipas
“sabihin mo hinihintay mo pa ung final breakdown kasi parang may mali sa computation. instant 2 weeks na palugit”
3
palusot
anong palusot pag kumaway ka pabalik pero hindi pala ikaw ang kinakawayanKumaway ako pabalik. Yung nasa likod ko pala ang kinakawayan niya.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 143 araw ang nakalipas
“nag-iinat lang ako ng braso. stretching yan, tapos i-stretch mo pa ung kabila para convincing hahaha”
KkuyaJeepney · 143 araw ang nakalipas
“Kunwari pumapara ka ng jeep. Ituloy mo lang ang kaway hanggang may tumigil.”
?Anonymous · 143 araw ang nakalipas
“Inayos ko lang buhok ko, may dumapong lamok.”
3
palusot
Anong palusot kapag nahuli kang nag-stalk sa IG ng ex?Na-heart ko ang picture niya noong 2019. Alas-dos ng madaling araw.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
SSiMarites_08 · 145 araw ang nakalipas
“nadulas ung dalri ko. alas dos na kc inaantok na ko”
?Anonymous · 144 araw ang nakalipas
“Na-hack ang account ko. Kung anu-ano ang ni-like ng hacker, pati post ni Tita.”
?Anonymous · 143 araw ang nakalipas
“nililinis ko kasi following list ko, napindot ko lng habang nag sscroll”
Money147 araw ang nakalipas 3
palusot
Anong palusot kapag hindi ka pa nakabayad ng utang sa tropa?Dalawang linggo na akong nangangako. Ngayon, nakita niya akong may bagong sapatos.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 145 araw ang nakalipas
“Pinambayad ko sa ibang utang, parang relay lang.”
TtamadPeroMabait · 145 araw ang nakalipas
“regalo ito ng tyahin ko, di ko pwede ibenta”
KkuyaJeepney · 146 araw ang nakalipas
“Gusto ko kasi sabay-sabay na lang bayaran, pati yung susunod kong uutangin. Para isang transaction na lang.”
3
palusot
Paano lusutan ang kapitbahay na nanghihiram ng WiFi password?Nakita niya ang post ko na 'Ang bagal ng WiFi namin.' Ngayon nasa gate na siya.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 148 araw ang nakalipas
“Naputol na po ang subscription namin, Ate. Kaya nga po mabagal, naka-data na lang po ako.”
SSuperTitoBoy · 148 araw ang nakalipas
“Sabihin mo pinalitan ang password kasi may nag-hack, at si Lola lang ang nakakaalam. Tulog na si Lola.”
?Anonymous · 148 araw ang nakalipas
“ibigay mo ung password ng lumang router sa bodega. hindi ka nagsinungaling, password naman talaga yun hahaha”
2
palusot
Anong palusot kapag tinanong ni Tita kung bakit ka tumaba?Hindi pa ako nakakaupo, 'Uy, tumaba ka!' agad ang bati.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 150 araw ang nakalipas
“Masaya po kasi ako, Tita. Kayo po, bakit po kayo pumayat? Okay lang po ba kayo?”
KkuyaJeepney · 149 araw ang nakalipas
“Nag iipon po ako ng taba para sa taglamig, malamig daw po sa baguio”
Money152 araw ang nakalipas 3
palusot
Paano tumanggi sa 'Libre mo naman kami' pag sweldo?Alam ng buong team na sweldo ngayon. Lahat sila nakatingin sa akin.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
?Anonymous · 150 araw ang nakalipas
“Naka-auto debit ang sweldo ko, diretso sa loan. Pag-aari na ng bangko ang sweldo ko bago ko pa makita.”
OOJTnaPagod · 150 araw ang nakalipas
“OJT pa lang po ako, wala pong sweldo. allowance lang po na pang-pamasahe lang talaga”
SSiMarites_08 · 150 araw ang nakalipas
“sabihin mo nag-iipon ka para sa birthday ng isa sa kanila. tapos tanungin mo kung sino may birthday next month, sila na mag-aaway”
3
palusot
Anong palusot kapag nahuling kumakanta mag-isa sa jeep?Akala ko naka-earphones ako. Hindi pala nakakonekta ang Bluetooth.
tinanong ni Anonymous
Mga palusot ng bayan:
KkuyaJeepney · 153 araw ang nakalipas
“Nagpa-practice po ako para sa audition bukas. Pasensya na po sa ingay.”
?Anonymous · 152 araw ang nakalipas
“vlog po to may hidden camera, ngumiti po kayo hahaha”
SSiMarites_08 · 150 araw ang nakalipas
“Sabihin mo nagre-record ka ng voice message para sa nanay mong OFW. Walang magagalit sa OFW content.”